Big Bill,

Ipinarating mo na mainit, mahirap katrabaho ang mga unggoy, at magulo ang sitwasyon diyan sa Pilipinas. Para dumali ang trabaho mo, padadalhan kita ng mga psychic mind control modulator de-modulator transmitter. Isang aparatong nagsasabog ng signal upang maging masunurin sa Estados Unidos ang mga unggoy.

Maliit lamang ang lawak ng signal, kaya maghanap ka ng paraan upang maikalat ang transmitter sa buong bansa. Siguro naman may bayani silang tinitingala at tinatayuan ng monumento sa mga paaralan at mga plasa. Lagyan mo ng transmitter sa loob ang mga rebulto.

Dapat hindi kapansinpansin para hindi sila magduda.

William McKinley
Presidente


No Responses Yet to “‘And now, gentlemen, you must have a national hero.’”  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply