“Naku, ma-le-lengok na naman ako kay bosing,” wika ni Ilyud ng napansin niya na kumakapal na ang trapik sa Pasig. Pagtingin niya sa malayo, nakita niya ang luntiang rebulto ni Rizal at napatingin ulit sa harap upang bumusina. Maya-maya’y may lumapit sa kanyang matandang babae sa may bintana, at bago pa man makasalita ang matanda, kinatukan na ito ni Ilyud.

“Wala, wala.” ang bukas ng bibig niya sa loob ng kotse.

Pagtingin ni Ilyud sa may rearview mirror, napansin niyang di naman gaanong gusgusin ang babae na naglilimos na sa susunod na kotse. Sana, nagpabili na lang siya ng kape.



No Responses Yet to “Alas-dos ‘y medya na.”  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply