Ang Alamat ng Posporong Rizal
30Mar08
Noong unang panahon, may isang batang nagngangalang Jose. Masipag mag-aral si Jose. Katuwang niya sa pag-aaral ang kanyang nanay Dora at isang lamparang pinaliliwang ang buong silid. Manghang-mangha si Jose sa ilaw ng lampara. Madalas ay nakakalimutan na niyang mag-aral dahil sa pagtitig dito. Nagpatuloy ito hanggang sa bumaba ang marka ni Jose sa eskwela. Nalaman ito ni nanay Dora at galit na sinabi kay Jose, “Sana maging apoy ka na lang magpakailanman!” Kinabukasan, wala na si Jose sa kanyang silid. Sa kama niya’y may nakahigang isang kahon ng posporo. At ang malungkot na mukha ni Jose ay nakaimprinta dito.
Filed under: Author: Berdeng Rosaryo, Legend | 1 Comment
Tags: Dora, Jose, posporo, Rizal
i like it!!ang ganda nman ng alamat mo..ahahaha..nice one!!