Sa kabila ng init ng panahon ng araw na iyon, naisipan kong maglakad pauwi. Kahit abutin ako ng dilim, wala na akong magulang na mag-aaalala. Si Ate Ada, na tanging tumanggap sa akin kahit ganito ako, ay alas-onse pa ang uwi.

Nang matapat ako sa gilid ng kapitol, may isang taong balot na balot sa may halamanan sa paligid ng puting busto ni Rizal. Nakayuko ito na para bang may hinahanap. Pagkatapos luminga sa paligid ay tumayo na at lakad-takbong lumayo.

Maya-maya, may bumalahaw na iyak ng isang sanggol. Napatigil yung tao. Nang makita ako ay mabilis siyang tumakbo palayo.



No Responses Yet to “Bagong Kapalaran”  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply