Bidyo Geym
30Mar08
Nalaro mo na ba ang latest na videogame para sa Gamestation 3? ‘Revolucion’ ang title ng fighting game na ito. Ang mga bida ay ang mga bayani tulad ni Bonifacio na may itak, Luna na may pangpinta, at Mabini na pinanghahampas ang tungkod. Pero ang paborito ko ay si Rizal. May mga moves siya tulad ng “Noli me Tangere” kung saan di siya tatablan ng kalaban, “El Filibusterismo”, kung saan may lalabas na pari at babatuhin ka ng malaking ataul ng alahas, at ang “Mi Ultimo Adios” kung saan magsu-summon siya ng batalyon ng kawal na babarilin ka sa likod.
Filed under: Author: Superman, Fantasy | Leave a Comment
Tags: Bonifacio, Luna, Rizal
No Responses Yet to “Bidyo Geym”