Katotohanan
30Mar08
Matapos huminga ng malalim, ikinawit ni Chinggay ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga. Dinampot niya ang piso na nasa mesa at tinanong:
“Sasabihin ko na ba kaya kay Emman?”
Matapos magtanong, itinapon ni Chinggay ang piso sa hangin. Tumambling-tambling ito at sinalo niya gamit ang kanyang braso, sabay takip gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pinikit niya ang kanyang mata at huminga ulit ng malalim. Sa kanyang pagdilat ay tinanggal ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa pisong tinapon.
Hindi siya hinarap ng ulong nakaguhit sa pera, ngunit nagkaintindihan sila at kinuha ni Chinggay ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
Filed under: Author: Baby Darna, Drama | Leave a Comment
Tags: Chinggay, Emman, piso
No Responses Yet to “Katotohanan”