Habang naglalakad si Ada ay mayroong isang lalaking biglang lumapit sa kanya at hinablot ang kanyang bag. Nagulat siya at nagsisigaw upang humingi ng tulong. Mula sa kawalan ay isang lalaki ang humabol sa isnatser at nabawi ang bag. Bago pa man siya makapagpasalamat ay naglaho na ang lalaki. Nang sumunod na araw, habang muling naglalakad ay nakita ni Ada ang isang lola na patawid ng kalsada at malapit nang masagasaan. Muling lumitaw ang mahiwagang lalaki at sinagip ang lola.  Napangiti siya at inisip na dapat patrayuan ng monumento ang taong ito sa Luneta dahil isa itong tunay na bayani.



No Responses Yet to ““My Hero…””  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply