Paalam
30Mar08
Nakatayo si Mike sa sulok habang pinagmamasdan ang kanyang first love, na abala sa pakikipagtawanan sa isang matanda. Maganda ito sa suot na puting gown. Maya-maya’y lumapit ito sa kanyang kinatatayuan.
“Oy, kumain ka naman dun!” sabay hila sa kanya.
“Huwag na paalis na din naman ako.”
“Agad? Madaya…”
“Congratulations!”
Tumalikod na siya patungo sa pintuan ng function hall. Walang reaksyon ang kanyang mukha habang binagbagtas ang swimming pool, ni hindi napansin ang mga unggoy na kumakalampag sa kanilang kulungan. Napatigil siya nang mapatapat sa rebulto ni Rizal na nakaturo sa malayo.
“Bakit dito pa? Kung saan tayo unang nagkita?”
Filed under: Author: Father Salvage*, Drama, Romance | Leave a Comment
Tags: Mike, rebulto
No Responses Yet to “Paalam”