Panakot ni Nanay
30Mar08
Nakakainis talaga si mama. Lagi na lang akong pinupuntahan sa parke para pauwiin sa bahay. Papagalitan pa niya ako at sasabihing, “Sige, pag naabutan ka ng alas sais ng hapon, gagawin kang bato ng rebultong nakatayo diyan sa gitna!”
Tinanong ko si papa kung sino yung binabantayan ng mga pulis sa gitna ng parke. Sabi niya, Jose Rizal ang pangalan ‘nun. Sikat daw ‘yun nung bata pa sila papa. Lagi daw napag-uusapan sa klase.
Siguro, magaling siya sa klase kaya lagi siyang napag-uusapan. Naku! Baka totoo nga ang sinasabi ni mama. Uuwi na ako nang maaga araw-araw. Ayokong maging bato.
Filed under: Author: Berdeng Rosaryo, Legend | Leave a Comment
Tags: first person, rebulto, Rizal
No Responses Yet to “Panakot ni Nanay”