Piso
30Mar08
Sinuklian ako ng drayber ng piso. Nangingitim na ito. Napansin ko rin na gasgas na at hindi na mamukhaan ang ating pambansang bayani dito. Naalala ko tuloy ang dating piso. Malaki ito, pwedeng pwedeng pambato sa tao. Tapos, imbes na logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, makikita natin ang kalabaw sa kabilang mukha nito. Habang naglalakad na ako papunta sa aming bahay, isang tanong ang pumasok sa aking isipan. Bakit nga ba nila pinalitan ang disenyo nung piso? Wala naman akong symbolismo na nakukuha sa logo ng BSP. Di tulad nung sa kalabaw, ang symbolismo ng kasipagan nating mga Pilipino.
Filed under: Author: Superman, Drama | Leave a Comment
Tags: first person, piso
No Responses Yet to “Piso”