Suot niya ang overcoat na binili sa ukay-ukay. Tinanggal niya na rin ang ponytail ng kanyang balbas at nag-ahit. Hiniram ang gel ni kuya na kakaalis lang papuntang Madrid.

Tiningnan ni Mike ang kanyang sarili sa salamin. Parang hindi siya. Inayos niya muli ang kurbata dahil medyo nasasakal ang kanyang kayumangging leeg. Habang inaayos ang kanyang kwelyo biglang may narinig na malamig na boses sa salamin…

“Mike…. Mike…”

Nagsitayuan ang balahibo ni Mike at napatingin sa likod. Siya ay nag-iisa na lang sa bahay. Si kuya, nasa Espanya. Si nanay at tatay, nasa kabaong nila. Kahit yung Santo Niño, nawawala.



No Responses Yet to “Salamin, salamin”  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply