Archive for the 'Author: Baby Darna' Category
Alas-dos ‘y medya na.
“Naku, ma-le-lengok na naman ako kay bosing,” wika ni Ilyud ng napansin niya na kumakapal na ang trapik sa Pasig. Pagtingin niya sa malayo, nakita niya ang luntiang rebulto ni Rizal at napatingin ulit sa harap upang bumusina. Maya-maya’y may lumapit sa kanyang matandang babae sa may bintana, at bago pa man makasalita ang matanda, [...]
Filed under: Author: Baby Darna, Everyday Life | Leave a Comment
Tags: Ilyud, rebulto
Salamin, salamin
Suot niya ang overcoat na binili sa ukay-ukay. Tinanggal niya na rin ang ponytail ng kanyang balbas at nag-ahit. Hiniram ang gel ni kuya na kakaalis lang papuntang Madrid.
Tiningnan ni Mike ang kanyang sarili sa salamin. Parang hindi siya. Inayos niya muli ang kurbata dahil medyo nasasakal ang kanyang kayumangging leeg. Habang inaayos ang kanyang [...]
Filed under: Author: Baby Darna, Horror | Leave a Comment
Tags: Mike, overcoat
Katotohanan
Matapos huminga ng malalim, ikinawit ni Chinggay ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga. Dinampot niya ang piso na nasa mesa at tinanong:
“Sasabihin ko na ba kaya kay Emman?”
Matapos magtanong, itinapon ni Chinggay ang piso sa hangin. Tumambling-tambling ito at sinalo niya gamit ang kanyang braso, sabay takip gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pinikit [...]
Filed under: Author: Baby Darna, Drama | Leave a Comment
Tags: Chinggay, Emman, piso