Patayin ang Torpe

30Mar08

Matagal ng gusto ni Anton ang isang kaklase, nguit alangan syang manligaw. Bukod sa natural na kagandahan at katalinuhan ng kanyang iniirog, mayaman rin siya samantalang si Anton ay mahirap lang. Isang araw, napag-usapan sa klase ang tungkol sa matataas at mabababang rebulto ni Jose Rizal. Nang matapos ang diskusyon, isang pasya ang nabuo sa isipan ni Anton. Hindi na niya palalampasin ang pagkakataon at sasabihin na niya ang kanyang nararamdaman sa babaeng mahal. Dahil tulad ng rebulto ni Rizal, hindi naman mahalaga kung gaano man ito kataas o kababa. Ang mahalaga lang ay ang pagmamahal, mapa-bayani man o mapa-tao.



No Responses Yet to “Patayin ang Torpe”

  1. Leave a Comment

Leave a comment