Tungkol sa mga Kwento

I *heart* PHAng bawat kwentong nasa blog na ito ay meron lamang isang daang salita, para igunita ang sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Well, hindi rin, sinabi kasi ng guro namin na si Mykel Andrada na gumawa ng koleksyon ng mga kwentong binubuo lamang ng 100 na salita.

Ang inspirasyon ng mga kwento dito ay ang akda ni Nilo Ocampo na Ang Bayani sa Plaza: Ang Monumento ni Rizal Bilang Pagpapahalaga. Ibinalangkas dito ni G. Ocampo ang paggawa kay Rizal bilang isang institusyon ng pagka-bayani sa pamamagitan ng pagtayo ng mga rebulto, monumento, busto at iba pang pagsasalarawan ni Rizal. Dito naipamalas ang pagkamataas ni Rizal at ang laking kaibahan ng kanyang kultura sa kultura ng karamihan ng mga Pilipino.

Masasabing isa rin itong sequel sa If Rizal were a blogger.. [sic] na ginawa rin para sa klase na Philippine Institutions 100 [The Life and Works of Rizal]. Ang mga kwento naman dito ay sinulat ng sumusunod:

  • Abergas, Kriz – BS Statistics
  • Aguado, Bry – BS Mathematics
  • Alabastro, Janette – BS Business Economics
  • Daguimol, Brent – BS Computer Science
  • Guinto, Celeni – BS Economics
  • Leano, Ofelia – BS Mathematics
  • Paulin, Judy – BS Civil Engineering
  • Quimpo, Dale – BS Business Economics
  • Quindoza, Mark – BS Electrical and Communications Engineering
  • Sison, Hyacinth – BS Mathematics

%d bloggers like this: